
Sino kami?
Isang komunidad na nagbibigay-daan para sa lahat na malayang makapagbahagi ng mga bagay na may kinalaman sa buhay, mag-uugnay tungo sa kapayapaan, at yumabong sa pag-ibig ng Panginoon.


Ang aming logo ay tanda ng pagkakaibigan at pag-asa, bilang paggalang sa iba’t ibang pamayanan ng Lumad, Moro, at mga naninirahan. Hindi nito inaangking kinakatawan ang lahat ng grupo o wika. Ang mga salitang ‘Higala, Abyan, Gayyem, Lalak, Pakat, Kaibigan’ ay ilan lamang sa napakaraming wika na ginagamit sa Mindanao.